Posts

Kung Bakit Tayo Nagsusulat

Ang pagsusulat ay parang tinapay, ito ay para sa lahat. Nagsusulat tayo ng tula sa tuwing tayo ay nasasaktan, nagsusulat tayo ng report para isabmit kay Ma’am, ng liham sa tuwing absent sa eskwelahan, nagsusulat tayo ng mga salitang di kayang bigkasin sa harap ng iba, nagsusulat tayo bilang paraan ng pagpupurga sa sariling emosyon at may nagsusulat upang pumuna ng mali ng administrasyon. Nagsusulat tayo upang magsiwalat ng katotohanan at nagsusulat tayo upang magtago ng katotohanan natin. Nagsusulat tayo dahil kailangan. Nagsusulat tayo dahil gusto natin. At nagsusulat tayo dahil nabubuhay tayo sa daigdig ng mga salita. Bakit nga ba tayo nagsusulat? Ang tanong ay bakit hindi? Bakit hindi natin isulat ang obserbasyon natin sa paligid? Kung paano makamove-on kay crush? Kung paano magluto ng Crispy Pata? Bakit hindi natin isulat ang karanasan natin papunta sa El Nido Palawan o di naman kaya ay ang kahalagahan ng pag-iipon ngayong 2020? Bakit hindi natin isulat ang kasaysayan ng ating bu