Kung Bakit Tayo Nagsusulat
Ang pagsusulat ay parang tinapay, ito ay para sa lahat. Nagsusulat tayo ng tula sa tuwing tayo ay nasasaktan, nagsusulat tayo ng report para isabmit kay Ma’am, ng liham sa tuwing absent sa eskwelahan, nagsusulat tayo ng mga salitang di kayang bigkasin sa harap ng iba, nagsusulat tayo bilang paraan ng pagpupurga sa sariling emosyon at may nagsusulat upang pumuna ng mali ng administrasyon. Nagsusulat tayo upang magsiwalat ng katotohanan at nagsusulat tayo upang magtago ng katotohanan natin. Nagsusulat tayo dahil kailangan. Nagsusulat tayo dahil gusto natin. At nagsusulat tayo dahil nabubuhay tayo sa daigdig ng mga salita.
Bakit nga ba tayo nagsusulat? Ang tanong ay bakit hindi? Bakit hindi natin isulat ang obserbasyon natin sa paligid? Kung paano makamove-on kay crush? Kung paano magluto ng Crispy Pata? Bakit hindi natin isulat ang karanasan natin papunta sa El Nido Palawan o di naman kaya ay ang kahalagahan ng pag-iipon ngayong 2020? Bakit hindi natin isulat ang kasaysayan ng ating buhay na para bang tayo ang pinakamahalagang tao sa mundo? Bakit hindi? Bakit hindi natin isulat kung gaano kahalaga ang buhay kahit wala itong katiyakan? Bakit hindi natin isulat ang ating mga inaasam at paghihintay?
Nagsusulat tayo dahil kailangan ng mundo marinig ang ating mga kwento. Sapagkat dito ay may pagkatuto. May inspirasyon. May kalayaan sa panulatan.
Ang pagsulat ay hindi lamang para sa mga naka-attend ng writing workshop o may Blog. Di lamang para sa iilan. Ang pagsusulat ay pagpili. Proseso. Determinasyon. Kagustuhang magsulat. At higit sa lahat, ng puso. Bakit ba tayo nagsusulat ay dahil walang kulay ang mundo kung wala itong panitik.
Hangga’t may nagbabasa, hangga’t may bumibili sa mga panaderya, laging nandiyan ang pagsusulat. Parang tinapay, may iba’t ibang lasa, iba’t ibang flavor pero para sa lahat.

Comments
Post a Comment